Opisina sa Manila City Jail, nasunog

Share this information:

Nasunog ang isang opisina sa loob ng Manila City Jail  sa Sta.Cruz, Maynila Sabado ng  madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection- National Capital  Region (BFP-NCR), isang  single-storey office naganap ang sunog.

Nabatid na mula sa nag-overheat na appliances ang pinagmulan ng sunog sa ground floor ng  nasabing opisina na ino-okupahan ng Welfare Development Section ng Bureau of Jail Management and Penology-Manila City Jail (BJMP-MCJ).

Nagsimula ang sunog alas 4:44 ng madaling araw pero  naapula din agad makalipas ang 17 minuto.

Tinatayang aabot lamang sa 30,000 ang pinsala sa sunog.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.