Oil spill clean-up operation, isinasagawa na ng PCG sa Davao City

NAGSAGAWA na ng clean-up operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa naganap na oil spill sa isang pantalan sa Davao City.

Iniimbestigahan na rin ngayon ng PCG ang pangyayari at kung sino ang responsable at inaalam pa din ang aktwal na pinanggalingan ng naturang oil spill.

Pinangunahan ng mga tauhan ng Coast Guard District Southeastern Mindanao ang clean-up operation ng oil spill sa kahabaan ng Km. 11 ng Davsam Port, Davao City.

Nagdeploy na rin ang PCG ng absorbent booms at oil pads sa kanilang “containment and recovery” upang maiwasan ang pagkalat pa ng langis sa buong daungan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Marine Environment Protection Force- Southeastern Mindanao, posibleng galing sa ibang lokasyon ang lumutang na langis sa Davsam Port.

Umabot na umano sa 200 cubic meters ang oil spill ayon sa Caost Guard.

“Malakas yung current ng dagat. Wala namang naka-standby na barko masyado doon. Possible talaga, galing siya sa malayo,” sabi ni Coast Guard Ensign John Esteban, Deputy Commander ng Marine Environmental Protection Force – Southeastern Mindanao (MEPForce-SEM).

We are still investigating about the possible suspected vessel or possible na source ng oil kung hindi man siya sa vessel. Dito sa Philippine Coast Guard, meron kaming mga memorandum circular about pagbabawal ng pagtapon ng oil sa dagat,” dagdag pa nito.

Ayon kay Esteban, maaaring patawan ng administrative fines ng PCG at iba pang lokal na batas sa Davao City ang sinumang responsable sa oil spill.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.