OFW Hospital, kulang sa mga nars

Share this information:

IDINULOG ng administrador ng OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga ang pangangailangan nito ng karagdagang 200 nars upang maayos na mapatakbo ang pasilidad na inilaan lamang para sa mga  “Overseas Filipino Workers” (OFWs) at kanilang mga pamilya.

Ayon kay Dr. Jose Dante Dator, administrador ng naturang ospital, ang kakulangan ng mga nars at medical staff ang siyang malaking hamon sa kanila pagdating sa aspeto ng maayos na pagpapatakbo ng OFW Hospital.

May panawagan po kami sa tulong ng Department of Labor [and Employment] na maglathala na kukuha kami ng nurses na mga hanggang 200 po ang kailangan namin,” saad ni Dator sa isang panayam.

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 52 nars ang ospital, kung saan 25 sa kanila ay mga dati ring OFWs.

Sinabi ni Dator na mayroong 100-bed capacity ang ospital na nagbibigay ng libreng serbisyo para sa mga OFW at kanilang mga dependents.  

Matatandaan na binuksan ang pagamutan noong nakaraang Mayo ng taong ito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.