Mariing tinutulan ng mga eksperto mula sa Octa Research Team ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa mas maluwag na Modified General Community Quarantine o MGCQ quarantine classification ang buong bansa simula Marso 1.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye, hindi pa handa ang ating bansa na isailalim sa MGCQ dahil na rin sa mga naitala na bagong kaso ng UK variant ng COVID-19.
Dagdag pa rito ay ang hindi pa umuusad na vaccination program kung saan dapat munang mabakuhan ang lahat ng medical frontliners.
Paliwanag pa ni Rye, nauunawaan nila na kailangang umusad ang ekonomiya ng bansa subalit kailangan din ikonsidera ang kalusugan ng mga mamamayan.
Maging ang desisyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ang pagbubukas ng mga sinehan at amusement parks ay mariin ding tinutulan ng Octa Research Team.