Obrero, kulong sa pagpuslit ng electrical wire

Share this information:

Arestado ang isang construction worker matapos tangkain nitong magpuslit ng electrical wire mula sa loob ng Arellano University sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Qualified Theft ang suspek na si Melvin Florendo, 28, ng Blk 35 Lot 3 Landaca Torsillo St., Brgy. 28, Dagat Dagatan, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PSSgt. Diego Ngippol, dakong 6:30 ng gabi, ginagampanan ni Jomar Ollodo, 35, security guard, residente ng 118 C Arellano St. Brgy. Ibaba ang kanyang duty at iniinspeksyon ang mga gamit ng dumadaan at lumalabas sa exit gate ng Arellano University compound sa Jose Rizal Campus, Brgy. Baritan.

Nang siyasatin ang mga gamit ni Florendo, nakita ng sekyu sa loob ng bag nito ang tinangay na electrical wire na nasa 2.4 meters ang haba na nadiskubreng pinutol mula sa live wire ng university na naging dahilan upang mag-brown out sa ilang gusali nito.

Dinakip ng guwardya si Florendo at nabawi ang electrical wire bago humingi ng tulong sa Malabon Police Sub-Station 7 sa pamumuno ni PLt. Manny Ric Delos Angeles kung saan tinurn-over ang suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

World class hospital in Calamba in Laguna, offers world class treatment

Sat Jan 23 , 2021
THE local government of Calamba City, Laguna facilitated the ground breaking ceremony of the first and new state of the art government hospital in Calamba City last January 19, 2020 at Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna. Calamba City Mayor Justin Marc Chipeco led the ceremony of Calamba City Hospital together […]

Follow Us

%d bloggers like this: