Obrero, itinumba ng riding-in-tandem sa Malabon

Share this information:

Dedbol ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Marlon Santiago, 20 anyos, ng 87 Acero St. Brgy. Tugatog.

Ipinag-utos naman ni Malabon police chief Col. Angela Rejano sa kanyang mga tauhan ang follow-up na imbestigasyon sa posibleng pagkakakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek.

Sa imbestigasyon nina PSSgt. Jose Romeo Germinal at PCpl. Michael Oben, dakong 1 ng hapon, naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Plata St., Brgy. Tugatog patungo sa kanyang trabaho nang lapitan ng gunman at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan.

Matapos ang pamamaril, naglakad ang gunman patungo sa kanyang kasama na nagmamaneho ng kanilang getaway na motorsiklo bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang anim na basyo ng bala mula sa hindi pa matukoy na kalibre ng baril habang inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.