No. 3 most wanted person sa Navotas, nalambat sa Bataan

Share this information:

ISANG pugante na nagtago nang halos sampung taon dahil sa pagpatay sa kanyang kapitbahay sa Navotas city ang tuluyang nadakma ng pulisya sa isang liblib na lugar sa probinsya ng Bataan.

Kinilala ni Navotas City police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Roberto Jiongco, Jr. alyas “Jeje”, 32, welder at residente ng Barangay Mountain View, Mariveles, Bataan.

Si Jiongco ay itinuturing na No. 3 Most Wanted Person ng Navotas matapos mapatay nito si Marlon Ramirez noong April 17, 2010 makaraang pagsasaksakin sa iba’t-ibang parte ng katawan habang naglalakad pauwi.

Isang warrant of arrest kontra sa akusado ang inisyu ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Zaldy Docena ng Branch 170 matapos siyang tumakas mula sa lungsod makaraan ang pagpatay.

Sinabi ni Col. Balasabas na ang pagkakaaresto kay Jiongco ay resulta ng ilang linggong intensive surveillance at intelligence operation na isinagawa ng mga operatiba ng Intelligence Unit sa pangunguna ni Police Lt. Luis Rufo, Jr.

Nadakip si Jiongco ng mga tauhan ng Navotas police sa Rodriguez St. Barangay Cabcaben sa Mariveles, Bataan dakong 3:30 ng hapon ng Lunes.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

“Kung hindi ngayon, kailan?” - Garbin

Tue Jan 26 , 2021
AKO Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr., the chairman of the House Committee on Constitutional Amendments, posed this question Tuesday as he made another pitch for the proposal to amend the economic provisions of the 1987 Constitution, which many believed have made the Philippines less attractive to foreign investments. “Maraming nagtatanong, […]

Follow Us

%d bloggers like this: