No. 1 Most Wanted Person sa Makati City, arestado

Share this information:

ARESTADO ng Makati City Police ang isang babae na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng nasabing lungsod.

Nasa custodial facility ng pulisya ang suspek na si Fatima Nacario, 29, dalaga, residente ng Barangay East Rembo, Makati City.

Hinuli ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section at Intelligence Units, dakong alas 3:45 ng hapon si Nacario sa Moonwalk Annex, Bgy. Talon Uno, Las Pinas City.

Dahil sa bisa ng warrant na inisyu ni Makati Regional Ttial Court (RTC) Branch 57 Judge Honorio Guanlao Jr. nahuli si Nacario sa kasong murder at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.

Siniguro ni National Capital Region Police Office, Regional Director Brigadier General Vicente Danao, ang seguridad at kaligtasan ng mga impormante sa patuloy na pagtulong sa pulisya na masawata ang mga krimen at maaresto ang mga pinaghahanap ng batas.

“Our informant can assure confidentiality of his/her identity; therefore, our community has nothing to worry when it comes to their safety in reporting similar accused persons,” saad ni Danao.

Nanawagan si Danao sa publiko na agad ireport o magbigay ng impormasyon sa NCRPO sa pamamagitan ng SMS hotline numbers Isumbong Kay RD NCRPO O915- 888-9181 para sa GLOBE; 0999-901-8181 para sa SMART, at PIO NCRPO Viber 0998-325-5771.

“We enhanced our NCRPO hotlines upang  maging bukas ang ating mga kababayan sa pag susumbong ng ano mang krimen o katiwalian sa kapulisan. As a result, we can see that we are gaining the trust and confidence of our people these days through the large volume of reports we have received in our hotlines,” sabi pa ng heneral.

Ang mga ito ay iniimbestigahan upang agarang maaksyunan. Kailangan lamang ng ating Team NCRPO na manatiling matapat, matapang at may malasakit sa mamamayan upang magpatuloy ang ating nasimulan,” pagtatapos ni General Danao.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.