NGCP, power plant operators posibleng papanagutin ng gobyerno sa Panay Island blackouts

PINAG-AARALAN na ng gobyerno ang posibleng parusa o multang ipapataw sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at mga operator ng ilang power plant dahil sa nararanasang serye ng blackout sa Panay Island at iba pang bahagi ng Western Visayas.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng Interim Grid Management Committee, ang kaparehong grupong nagsiyasat din ng power interruption sa rehiyon noong nakaraang taon.

The investigation is ongoing but so far, we and the Department of Energy are seeing the same data. By next week, we will have additional documents and additional information because we will have gathered everything by then. Then hopefully, we’ll have a clarification on what happened,” ayon kay Dimalanta.

We are not excusing these power plants. Of the six plants, if there is anyone that did not get maintained then it should be given a penalty, not just NGCP,” dagdag pa ng opisyal.

Noong Biyernes, inanunsyo ng NGCP na naibalik na ang power supply sa Panay at Guimaras Islands at balik normal na rin umano ang transmission operations.

Samantala, nakikipagtulungan na rin ang ERC sa mga lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng permit para sa paggamit ng solar home systems sa gitna na rin ng banta ng tagtuyot at papalapit na panahon ng tag-init.

What we do here in ERC is expediting the processing of permits for solar home systems through partnering with the local governments so that there would be a one-stop-shop. People won’t have to go to the office of ERC to process the permit, we will be the ones to go to your local government to expedite the process of permits,” paliwanag ni Dimalanta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.