Breaking News

Share this information:

VIRAL ngayon sa social media ang video ng isang mag-asawa na na-scam ng kanila mismong wedding coordinator sa Cebu City.

Sa Instagram post ni Neri Naig-Miranda, asawa ni Chito Miranda ng bandang Parokya ni Edgar, nagpahayag sya ng kanyang simpatiya para sa nasabing bride na si Cherry Pie Purisima at sa asawa nito dahil para kay Neri, naiintindihan nito kung gaano ka-stressful ang maghanda para sa kasal.

Ayon sa kanyang post, ang reception ay gaganapin sa Jeju Samgyupsal na malapit lang sa lugar ng bride–at ito ay sasagutin na at libreng ibibigay ni Naig-Miranda.

Maliban sa wedding reception, sinagot na rin ni Naig-Miranda ang wedding cake at emcee bilang regalo ni Naig-Miranda sa bagong kasal.

Wala kayong gagastusin mag-asawa. Kami na bahala. May pa-pocket money kami sa inyo  kahit papaano. Wag ka nang umiyak. Kami na bahala sa inyo.” sambit nito.

Umani naman ng papuri mula sa mge netizens at celebrities ang ginawang pagtulong ni Naig-Miranda sa bagong kasal.

(MAIN PHOTO: Neri Naig-Miranda with husband Chito Miranda)

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: