‘Nene’ nilasing bago hinalay ng ex-lover

Share this information:

KALABOSO ang isang binata makaraang lasingin at halayin ang dating menor-de-edad na nobya nito sa loob ng kanyang tirahan sa Novaliches, Quezon City.

Natukoy ang suspek na si Anjo Mendoza Horario, 19 anyos ng Masaya St., Barangay Gulod na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o child abuse.

Sa report ni Police Cpl. Racquel C. Graneta ng Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District (QCPD) Police Station 4, bandang alas-5:00 ng hapon (July 17), nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima na nakilalang si Aling Michelle, ang suspek at ang anak niyang itinago sa pangalang Nene, 15-anyos ay dating magkasintahan.

Niyaya umano ni Horario ang mga kaibigan, kasama ang dating kasintahan na mag-inuman sa bahay nito.

Makalipas ang ilang oras, nang makitang lasing na si Nene ay niyaya ito ng dating nobyo na matulog muna sa kaniyang silid at doon ay pinagsamantalahan ng suspek.

Nang mawala na ang tama ng alak ay naramdaman ng biktima ang pananakit ng kaniyang kaselanan kaya isinumbong na nito sa kaniyang ina ang ginawang panghahalay sa kaniya ng dating nobyo.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.