Negosyente, itinumba sa ambush sa Caloocan

Share this information:

TODAS ang isang negosyante matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem na mga suspek habang sakay ang biktima ng kanyang sasakyan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Glenn Cayao, residente ng Block 12, Lot 28, Kaularan Village, Brgy. 12 ng lungsod.

Sa natanggap na report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa 6th St., corner 7th Avenue, Brgy. 121 ng lungsod.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakasakay ang biktima sa kanyang Toyota Fortuner (NBV-2562) habang binabagtas ang naturang lugar nang lapitan ito ng mga suspek na nakasuot ng itim na helmet at itim na jacket habang magkaangkas sa isang itim na motorsiklo saka pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong direksyon ng C3 Road habang naiwan naman ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

Ipinag-utos na ni Col. Mina ang follow-up na imbestigasyon para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.