Negosyante biktima ng ‘akyat-bahay’ sa Laguna

Share this information:

NASA P500,000.00 cash at maging susi ng sasakyan ang tinangay ng tatlong hindi pa matukoy na kalalakihan matapos looban ang bahay ng isang 32-anyos na babaeng negosyante sa bayan ng Sta. Rosa sa Laguna.

Nakilala ang may-ari ng bahay na si Guia Krissa Catindig, residente ng Block 10 Lot 2 Phase 3 Valenza Crown Asia Subdivision, Barangay Sto. Domingo.

Ayon kay Police Lt. Col. Vicente Amante, Chief of Police ng Sta. Rosa City Police, nasa tatlo ang itinuturong salarin sa insidente na pawang nakasuot ng itim na bonnet kung saan nakitang umakyat umano sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at dumaan papasok sa sliding window.

Tangay ng mga suspek ang mamahaling kagamitan ng biktima gaya ng iPhone Pro na may halagang P90,000; Samsung Note 10, P70,000, Laptop Mac Pro 120,000, Chanel Bag na nagkakahalaga ng P350,000; Luivitton wallet P30,000; Ipad Pro P80,000; Bose headphones P90,000; dalawang pirasong Airpods Pro P15,000; Samsonite Red Bag at susi ng kanyang Mini Cooper na sasakyan.

Pinag-aaralan na din ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV footages na makakatulong sa imbestigasyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.