Negosyante at driver, patay sa pagkalunod sa Bataan

Share this information:

DEAD on arrival sa ospital ang dalawa katao sa naganap na pagkalunod sa isang beach resort sa Brgy. Sabang, Morong, Bataan, Martes ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Bataan Police Provincial Office, kinilala ni Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco ang mga biktimang sina Joerge Pangilinan, 58 anyos, negosyanteng taga Marilao, Bulacan at ang driver nito na si Ricky Geronimo, 58, residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), naganap ang insidente ganap na alas kwatro ng hapon nitong Martes sa Adelle Beach Resort kung saan tinangay umano ng malalaking alon ang dalawang biktima at napadpad ng may 20 hanggang 30 metrong layo mula sa shoreline ng naturang resort na nauwi sa pagkalunod ng dalawa.

Nang marekober ang katawan ng mga biktima ay kaagad na isinugod sa Morong Rural Health Center subalit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.