NCRPO naalarma sa dami ng umano’y suicide at self-inflict harm dulot sa paglalaro ng online game na “Roblox”

NAALARMA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagdami ng mga kaso ng pagpapatiwakal at pananakit sa sarili sa kalakhang Maynila.

Ayon sa NCRPO tumaas na sa bilang na 111 ang mga naitalang insidente mula Enero 1 hanggang Marso 23, 2026, na higit na mas mataas kumpara sa 33 kaso na naitala mula Enero hanggang Marso ng nakaraang taon.

“Behind these numbers are individuals facing silent emotional struggles—underscoring the need for early recognition, timely intervention, and stronger community awareness,” ayon sa pahayag ng NCRPO.

Karamihan sa mga kaso ang nag-ugat sa emotional distress, problema sa karelasyon, problema sa kakapusan ng pera, at pagkawala ng mahal sa buhay, ayon pa sa NCRPO.

Paniwala ng NCRPO na maiiwasan ang mga insidenteng ito kapag matutugunan ang mga palatandaan.

Isang lumalaking alalahanin ang digital environment kung saan maraming mga kabataan ang gumugugol ng mahabang oras, sa obserbasyon ng NCRPO.

Isa sa nakakaalarma ang Roblox na nagiging daan sa cyberbullying at pakikipag-ugnayan ng hindi kontrolado ng mga magulang.

“While these platforms offer entertainment, prolonged and unsupervised engagement—especially when paired with harmful communication or cyberbullying—may heighten emotional vulnerability. Digital spaces must therefore be considered part of the overall risk environment,” ayon sa NCRPO.

Para matugunan ito, pinalalakas ng NCRPO ang real-time interventions sa komunidad sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO).

Makikipagtulungan sa mga barangay, paaralan, at mga lokal na stakeholder ang mga yunit ng pulisya upang mapabuti ang maagang pagtuklas, mabilis na koordinasyon, at agarang pagtugon.

Ito ay naaayon sa layunin ng Active Community Support and Engagement ng Five-Focused Agenda ni PGEN Jose Melencio Nartatez.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.