Breaking News

Share this information:

SINABI ng OCTA Research Group na posible umanong sa pagtatapos ng buwang ito ay maiklasipika na bilang “low-risk” sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR).

Ang sitwayon na ito, ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, ay base sa criteria na ginagamit ng kanilang grupo.

Sinabi ni David nitong Linggo na nag-peak na ang virus cases sa NCR at nakakapagtala na lang ng seven-day average na 2,000.

Ayon pa kay David, wala rin silang nakikitang variant of concern na nagbabanta ngayon kaya’t sa tingin nila ay magtutuloy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 hanggang sa panahon ng Pasko.

Magugunitang sinabi rin ng Department of Health (DOH) na posibleng luwagan na rin ang quarantine restriction bago sumapit ang Kapaskuhan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: