NBI, handang imbestigahan ang mga pahayag ni FPRRD laban sa mga senador

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na handa itong imbestigahan ang ilang mga pahayag na ginawa kamakailan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may kinalaman sa pagpatay ng mga senador.

Ginawa ng DOJ ang pahayag matapos sabihin ni Duterte sa proclamation rally ng mga kaalyado nito na tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan na dapat pumatay ng 15 senador para mabakante at makapasok ang kanyang mga pambato .

Ayon sa dating pangulo, magagawa lamang aniya umano ito sa pamamagitan ng pagpapasabog.

Sinabi  ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na titingnan pa kung maaaring magsagawa ng motu proprio investigation ang National Bureau of Investigation (NBI) dito.

Sa kabila nito, sinabi ng kalihim na tila sanay na ang publiko sa ganitong lenggwahe ng dating pangulo.

Pero kung may senador na maghahain ng reklamo laban sa dating pangulo ay aaksyon ang kagawaran lalo na’t sila ang nalagay sa panganib sa ganitong pahayag.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.