Navotas, nanguna sa Manila Bay rehab program

Share this information:

Tumanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos itong manguna sa pagpapatupad ng Manila Bay Clean up, Rehabilitation and Preservation Program (MBCRPP).

Sa iskor na 96.7 percent, tinanghal ang Navotas na 2020 Most Compliant Local Government Unit sa pagpapatupad ng Korte Suprema na patuloy na mandamus sa pagpapanatili ng kalinisan sa Manila Bay.

“In the past years, Navotas scored low in the MBCRPP. We strived to rework our priorities, strengthen our partnership with environmental organizations and agencies, and establish institutional changes to ensure that we will not just be compliant but committed in the rehabilitation of Manila Bay,” ani Mayor Toby Tiangco.

Nakakuha ang Navotas ng 100 percent iskor sa parehong imformal settler families cluster at information, edukasyon at campaign. Nakakuha rin ito ng 97 percent sa solid waste management cluster at 92 percent sa liquid waste management cluster.

Kabilang sa mga prayoridad sa pag-unlad ng lungsod ay ang pagbibigay ng disenteng pabahay para sa mga nasasakupan nito, lalo na ang mga informal settler na mga pamilya ng naninirahan sa mga danger zones.

Bukod sa off-city resettlements ng National Housing Authority, ang Navotas ay may anim na housing projects na may 2,595 units.

Nakipagtulungan din ang lungsod sa Mother Earth Foundation, na tumulong sa pagtaguyod nito ng isang phased, low-cost at community-centered zero waste program.

“Helping on-ground implementers see the positive impact of their labor made them realize the importance of what they do. This, in turn, inspired them to work harder not just to fulfill their duties but also to become part of the change they want to see in Manila Bay,” sabi ni Tiangco.

Nauna rito, pangatlo ang Navotas sa Gawad Taga-Ilog: Search for the Most Improved Estero sa Metro Manila para sa entry nito, ang Bangkulasi River.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bulacan gov supports shift to digital precision farming

Sat Mar 13 , 2021
Bulacan Governor Daniel Fernando on Friday encouraged farmers whose rice fields were infested with brown plant hoppers (BPH) in Barangay Dulong Malabon in  Pulilan, Bulacan to shift from traditional to digital precision farming. Gov. Fernando made the statement after he personally witnessed the demonstration of DJI Agras T16 drone sprayer, […]

Follow Us

%d bloggers like this: