Navotas mayor, nabakunahan na

Share this information:

Natanggap na ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang kanyang unang dose ng bakuna kontra COVID-19.

Isinagawa ang pagbabakuna kay Mayor Tiangco, na kabilang sa A3 list o persons with comorbidity, sa San Jose Academy dakong alas-12 kahapon ng tanghali gamit ang CoronaVac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac ng China.

Muling nanawagan si Tiangco sa lahat ng mga residente at manggagawa sa lungsod na magpa-rehistro na sa NavoBakuna COVID-19 vaccination program.

Aniya, umabot na sa 3,618 ang nabakunahan na mga frontliners, senior at may comorbidity sa lungsod at susunod na rito ang mga economic essential workers.

Malaki po ang maitutulong ng pagpapabakuna para matapos na ang pandemya, at mapaangat na natin ang ating buhay at kabuhayan,” pahayag ni Tiangco.

Nitong April 11, umabot na sa 9,457 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 1,251 dito ang active cases, 7,930 ang gumaling at 276 ang nasawi

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.