Breaking News

Share this information:

Pinaghahandaan na ngayon ng mga local na pamahalaan sa Metro Manila, kabilang ang mga lungsod ng Navotas at Valenzuela, ang paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa.

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃.

Aniya, ang refrigerator ay maglalaman ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at ang isa sa dalawang freezer ay na-deliver na sa pamahalaang lungsod. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna.

“Tatlong brand po ang pinaplano nating bilhin: 50,000 Astrazeneca, 20,000 Pfizer, at 5,000 Moderna. Ito po ang top 3 choices base sa ating isinagawang survey. Ang iba pong bakuna ay magmumula sa ating pamahalaang nasyonal,” ani Tiangco.

Sa Valenzuela, ininspeksyon na rin ni Mayor Rex Gatchalian at ng kanilang team #VCVax ang Estrella Cold Storage sa Lawang Bato bilang paghahanda sa paglulunsad ng VCVAX.

“The COVID-19 vaccines need to be stored in a cold chain equipment and maintaining the cold chain is important to ensure the potency of the vaccine,” sabi ni Mayor Rex.

“We haven’t signed a deal with them kasi nag site inspection pa lang ako pero mayroon na kaming usapan na they will allocate space for us,” dagdag niya.

Magsisimula na rin aniya sa Sabado ang pagpaparehistro para sa vaccination program sa lungsod.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: