Bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month, ang Juana Laban sa Pandemya: Kaya! “We Make Change Work for Women,” ay ginanap nitong nakaraang Lunes sa Camp BGen. Vicente Lim, Calamba, Laguna
Ito ay pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development Region 4-A Regional Director Lucia Almeda ang paggawad ng medalya at sertipiko ng pagkilala sa anim na natatanging unipormadong kababaihan dahil sa kanilang serbisyo sa kabila ng pandemyang COVID-19.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina PLt. Col. Chitadel Gaoiran (Medalya ng Papuri), PMaj. Menchie Villarosa (Medalya ng Kasanayan) PLt. Melanie Richa (Medalya ng Papuri), PSsgt. Ailyn Sirajani (Medalya ng Kasanayan), Pat. Jenelyn Andaya (Medalya ng Kagalingan) and Pat. Rubie Liza Penaflor (Medalya ng Papuri).


Kasama ni Almeda ay sina PBrig. Gen, Ysmael Yu, Police Regional Office 4-A (PRO4A) deputy regional director for administration, and PCol. Rudolph Dimas, deputy regional director for operations.