MAHIGIT 1,400 residente ng munisipalidad ng Barobo sa Surigao del Sur ang bumoto ng pabor para sa pagbuo ng isang bagong barangay sa nasabing lugar, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Mula sa 2,574 registradong botante sa bayan, sinabi ng Comelec na nasa kabuuang 1,434 o 55.71 percent ng mga residente ng bayan ang bumoto ng “yes” upang pagtibayin ang pagtatatag ng Barangay Guinhalinan sa isang plebisito na isinagawa noong Agosto 10 alinsunod sa Republic Act 11986.
Nasa 14 na botante naman o 0.54 percent ang bumoto ng “No.”
Pagdating sa voter turnout, umabot ito ng 56.68 percent o nasa kabuuang 1,459 na residente ang bumoto sa plebisito.
Sinabi ng Comelec na sa interim, ang opisyal ng bagong Barangay Guinhalinan ay dapat italaga ng alkalde ng Barobo.
Kabilang rito ang isang Punong Barangay, pitong miyembro ng Sangguniang Barangay, isang Sangguniang Kabataan Chairman, pitong miyembro ng Sangguniang Kabataan, na maglilingkod hanggang sa ang kanilang mga kahalili ay dapat na mahalal at maging kwalipikado.

