Breaking News

Share this information:

NASA halos 90 na ang mga residenteng nagpositibo sa COVID-19 matapos na dumalo sa pamamahagi ng ayuda ni Quezon City Council Franz Pumaren sa Barangay Old Balara, Quezon City.

Inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na mula sa 953 na na-test, 86 ang nagpositibo sa virus infection.

“We have so far already identified 86 positive cases out of 953 that were tested doon sa event na yan,” ani Belmonte.

Sinabi pa ng alkalde na mayruong tinatayang limang lugar sa barangay ang isinalalim sa lockdown sa loob ng dalawang linggo. Isasalang sa COVID-19 test ang mga residente at makatatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Sinabi pa ni Belmonte na sa ngayon ay nasa 200 ang average na bilang ng araw-araw na kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Nasa 4,000 ang sinusuri kada araw habang patuloy na kumikilos ang may 3,500 contact tracers ng lungsod.

Nauna nang inabswelto ng Quezon City Police District si Pumaren mula sa ano mang paglabag sa health safety protocol matapos na dumugin ng may 6,000 residente ng Old Balara ang community pantry program na kanyang inorganisa.

Katwiran ng QCPD, nakipag-ugnayan naman si Pumaren sa mga ahensya ng gobyerno at pulisya upang matiyak na masusunod ang protocols.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: