Msgr. Catalan, itinalaga ni Pope Francis bilang Apostolic Nuncio sa Rwanda

ITINALAGA ni Pope Francis si Rev. Msgr. Arnaldo Sanchez Catalan bilang bagong Apostolic Nuncio ng Rwanda, ayon sa Archdiocese of Manila.

Sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na inanunsyo ng Papa ang pagkakatalaga ni Catalan  noong Enero 31.

Sa isang pahayag, nagpahayag ng pasasalamat si Advincula sa Santo Papa “para sa kaloob at karangalan na ito at itinuturing na makasaysayan ang paghirang kay Archbishop-elect Catalan bilang unang pari ng Archdiocese of Manila na naging Nuncio.”

Binati rin niya ang bagong arsobispo sa ngalan ng kaparian, mga relihiyosong lalaki at babae, at mga layko ng Arkidiyosesis.

Tiniyak din ni Advincula kay Catalan ang kanilang suporta at panalangin sa pagtupad niya sa bagong misyong ito sa Rwanda.

Ang 55-taong-gulang na si Catalan ay nagsisilbi bilang Chargé ‘affaires ng Apostolic Nunciature sa China mula noong 2019.

Nagtrabaho siya sa Diplomatic Service of the Holy See sa nakalipas na 20 taon. Ang kanyang mga naunang assignment ay sa Apostolic Nunciatures sa Zambia, India, Kuwait, Turkey, Argentina, Canada, at Pilipinas.

Ang bagong halal na arsobispo ay naordinahan sa pagkapari noong Marso 25, 1994.

Sinabi naman n g archdiocese na ang mga detalye ng episcopal ordination ni Catalan ay hindi pa ipinahahayag.

(PHOTO CREDIT: rcam.org)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.