MPD, blangko pa rin tungkol sa dinukot na pulis Maynila

Share this information:

Blangko pa rin ang Manila Police District (MPD) sa kinaroroonan ng isang pulis-Maynila na dinukot noong Pebrero 18 sa Binondo, Maynila.

Sa text message ni MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco,  hanggang ngayon ay patuloy pa silang naghahanap ng mga CCTV footage hindi lamang sa Maynila kundi sa National Capital Region (NCR) kung saan posibleng dumaan ang sasakyan na ginamit sa pagdukot  kay Corporal Allan Hilario.

“Continuous ang paghahanap pa rin namin sa mga CCTV sa NCR,” ayon sa text message ni Francisco.

Si Hilario ay nakatalaga sa police assistance desk ng MPD-Station 11 nang dukutin ito ng hindi bababa sa limang katao na pawang mga armado saka ipinasok sa puting AUV.

Mag-isa lamang si Hilario  na nakaduty nang mangyari ang insidente kaya isa rin ito sa pinaiimbestigahan ni Francisco matapos kwestyunin ang kawalan nito ng “buddy” sa kanyang duty.

Ayon kay Francisco, dapat umanong laging may kasama o buddy ang bawat deployment ng mga pulis.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Electronic waste bins at SM malls in Laguna

Wed Feb 24 , 2021
The SM Cares program on environment by SM Supermalls, supported by SM Cyberzone, launched the Electronic Waste Collection (EWC) program. It is a proper disposal and recycling of old gadgets that produce hazardous chemicals deemed detrimental to humans and the environment. Mall shoppers, communities, and individuals are encouraged to turn-over […]

Follow Us

%d bloggers like this: