Most wanted suspect sa pagpatay sa Barangay Chairman at asawa nito sa Cebu, arestado

Nasakote sa ilalim ng Oplan Pagtugis ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang barangay chairman at sa asawa nito sa Cebu noong 2023.

Ayon kay CIDG Director Major Gen. Nicolas Torre III, naaresto noong Martes ang suspek na kinilala bilang alyas ‘Kapoy,’ isang residente ng Brgy. Tubod, Asturias, Cebu.

Si alyas ‘Kapoy,’ na kabilang sa No. 7 Most Wanted Persons sa Central Visayas, ang itinuturong responsable sa pagpaslang kay Punong Barangay Mario Delfin Tundag ng Brgy. Manguiao, Asturias, Cebu, at sa asawa nitong si Edna Awit Tundag noong Marso 14, 2023.

Ang pag-aresto sa suspek ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong double murder na inisyu ni Judge Ruben Fermin Altubar ng Regional Trial Court Branch 29, Toledo City, Cebu noong Setyembre 20, 2023. Wala siyang inirekomendang piyansa para sa naturang kaso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.