Moderna, hindi pwede ipagamit hangga’t walang EUA

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa magagamit ang Moderna COVID-19 vaccines sa Pilipinas hangga’t wala itong emergency use authorization o EUA mula sa Food and Drug Administration o FDA.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, hindi maaaring ipagamit sa ating mga kababayan ang Moderna hangga’t wala itong EUA kaya hindi uubrang makapasok ang suplay ng naturang bakuna sa bansa.

Nauna nang sinabi ni FDA Dir. Gen. Eric Domingo na wala pang aplikasyon ang Moderna para sa EUA ng COVID-19 vaccine nila sa bansa pero patuloy aniya nila itong hinihintay.

Ang Moderna ay isa sa mga nakalinya na bakuna na bibilhin ng pamahalaan para sa COVID-19 vaccination program. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.