Modern jeeps sa kanayunan

Share this information:

MAIN PHOTO: Papasada na mula sa Binangonan, Rizal ang first batch ng mga modern jeepneys bilang tugon sa tumataas na pangangailangan ng public transportation para sa mga residente sa unang distrito ng lalawigan. Pinangunahan ni Russel Callanta Ynares (ikatlo mula sa kanan), Binangonan Municipal Administrator, at mga kinatawan ng iba’t ibang kinatawan mula sa transportation sector, ang formal launching ng naturang proyekto.

Inilunsad kamakailan ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan ang makabagong dyip na maghahatid at susundo sa mga residenteng nagtatrabaho sa Metro Manila.

Ayon kay Binangonan municipal administrator Russel Callanta Ynares, handa na sa pagpasada ang 25 units ng modernong Public Utility Vehicles (PUV) na may rutang Binangonan – Megamall (vice versa) at Binangonan – Starmall (vice versa).

Aniya, patuloy din ang mga programang inilatag ng Binangonan LGU upang mabigyan muli ng trabaho ang libo-libong residente ng kanilang bayan matapos mawalan ng hanapbuhay bunsod ng pagsasara at pagbabawas ng tao ng mga kumpanyang dati nilang pinagta-trabahuhan.

Sa paglulunsad ng mga modern jeep, pinasalamatan din ni Ynares ang iba’t ibang sektor na aniya’y tumutulong sa kanilang lokal na pamahalaan sa mga masidhi nito hangad na ibalik sa normal ang kabuhayan ng mga taga-Binangonan.

Kabilang sa kanyang mga binigyang pagkilala sina Binangonan Transport Cooperative (BITCO) Board of Director Glenn Durusan, Office of Transportation Cooperative Chairman Atty. Christian Oberio, Taguig Transport Service Chairman Freddie Hernandez, HINO Pasig Sales Manager Jaime Sung, AF Payments (BEEP) Marketing Manager Donald Sucgang, Binangonan Transport Cooperative Chairperson Jocelyn Celoza, ang Department of Transportation, Land Transportation Franchising Regulatory Board, Office of Transportation Cooperative at Cooperative Development Authority at maging ang mga local government official na naging bahagi ng nasabing proyekto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Navotas, nagsagawa ng dry run sa COVID-19 vaccination rollout

Sun Feb 7 , 2021
NAGSAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng simulation para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) vaccination rollout sa Navotas Polytechnic College (NPC), kung saan nakalagay ang vaccine cold room ng lungsod. “The drill will help us assess our readiness for the city-wide COVID-19 immunization and enable us to see what needs […]

Follow Us

%d bloggers like this: