Mobile E-Learning buses sa Pila, Laguna, umarangkada na

LAGUNA – INILUNSAD ang apat na bus na mobile E-learning laboratory na proyekto ng Laguna State Polytechnic University (LSPU) Main Campus na siyang mag-iikot sa ibat ibang lugar sa bayan ng Pila upang mabigyan ng serbisyo ang mga batang nasa malalayong lugar na matulungan sa kanilang online classes.

Bawat bus ay mayroong CCTV cameras,13 desktop computers, gadgets at libreng wi-fi na maaaring pakinabanagan ng husto ng mga estudyante.

Ayon kay LSPU President Dr. Mario Briones “Gusto kong iparamdam sa inyo na kahit papaano at kahit na ito ay ”bus” lamang ay mailapit namin sa inyo ang University sa inyong mga lugar na talagang ang adhikain ay kayo ay matulungan”.

Lubos naman ang pasasalamat ni Pila Mayor Edgardo Ramos sa LSPU dahil sa malaking tulong nito sa kanilang lugar,lalo na ngayong panahon ng pandemya.”Makakaasa po kayo ang bayan ng Pila at mga mag-aaral ng Pilenyo ay makakatapos ng pag-aaral,” pahayag nito.

Proyekto ng LSPU Sta.Cruz (Main Campus), Pulse Digital Network Corporation at lokal na pamahalaan ng Pila, Laguna ang mobile E-learning Laboratory buses.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.