Mister, arestado sa P149K shabu

Share this information:

Swak sa kulungan ang isang mister na umano’y tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLt. Joel Madregalejo ang naarestong suspek na si Rico Acaso, 58 anyos, ng No. 65 San Jose Compound, Brgy. Canumay West.

Ayon kay SDEU investigator PSSgt. Ana Liza Antonio, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Madregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ramchrisen Haveria ng buy-bust operation sa bahay ng suspek.

Nagawang maka-order ni PCpl. Randy Canton na nagpanggap na buyer sa suspek ng P3,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad lumapit si PCpl. Dario Dehitta saka inaresto nila si Acaso.

Nakumpiska kay Acaso ang nasa 22 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P149,600.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P1,000 at dalawang pirasong P1,000 boodle money, cellphone at P440 cash.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.