MIS chief ng Mariveles LGU, patay sa pamamaril

Share this information:

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang hepe ng Management Information System (MIS) ng Mariveles LGU sa Polares Subdivision, Brgy. Mt. View, Mariveles, Bataan, ganap na 6:10 ng gabi nitong Huwebes.

Sa inisyal na ulat ng Mariveles PNP, kinilala ang biktima na si Jonathan Dela Cruz, 35 taong gulang, at residente ng naturang lugar.

Nabatid sa imbestigasyon na kakarating lamang ng biktima sa kanyang apartment nang biglang dumating din ang dalawang suspek lulan ng isang itim na motorsiklo at nagkaroon umano ng pagtatalo na humantong sa suntukan o fist fight. 

Nang bumagsak ang biktima sa semento ay pinaputukan umano ito ng isa sa dalawang suspek. Sinubukan pa umanong humingi ng tulong ni Dela Cruz subalit muling binaril ito hanggang sa mapatay.

Mabilis na tumakas ang mga suspek. Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaslang. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.