Mga tren ng MRT-3 na in-overhaul, umabot na sa 32

Share this information:

IPINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes na umabot na sa 32 ang bilang ng mga na-overhaul na tren o Light Rail Vehicles (LRV) ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT-3).

Umakyat na sa 32 ang bilang ng umaarangkadang newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) sa linya ng MRT-3, matapos tagumpay na maideploy sa mainline ang isa pa ng pamunuan,” tinuran ng DOTr sa isang post sa Facebook.

Ang mga LRV na ito, ayon sa DOTr, ay sumailalim sa istriktong quality at speed test para masiguro ang kaligtasan ng pasahero bago idineploy ang mga ito.

Ayon sa DOTr, dahil na rin sa pandemya kahit nasa ilalim pa ng Alert Level 3 ang Metro Manila, mananatili pa din ang pagpapatupad ng 30 percent na passenger capacity ng mga tren ng MRT-3

Ibig sabihin nito, nasa 124 lamang na mga pasahero bawat tren, na mangangahulugan ng 372 na pasahero bawat set ng tren, ang papapasukin.

Ang pagsasailalim ng mga LRV sa isang general overhauling ay bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 na isinasagawa ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP, dagdag pa ng nasabing post.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.