INIUTOS na ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa mga namamahala at operator ng mga billboard sa lungsod na ibaba, itupi o irolyo muna ang mga billboard bilang paghahanda sakaling manalasa ang bagyong Ulysses.
Sa ipinalabas nitong abiso, ikinatwiran ni Atty Mark Dale Perral, ang OIC ng Quezon City Building Deaprtment, ang pangangailangan na matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo na ang mga malapit sa istruktura sakaling magsimula nang maramdaman ang bagy sa Metro Manila.
Maliban sa mga billboard structure, ipinababa rin muna ang tower cranes sa mga construction site sa lungsod.