IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na balik operasyon na ang lahat ng barko at fishing activity sa lahat ng pantalan sa buong bansa simula kaninang alas-8 ng umaga.
Lahat naman ng mga pasahero, truck, mga driver at cargo helper. pati na rin ang mga barko at motorbancas, mga rolling cargo na stranded at sumilong sa mga ligtas na lugar ay pinapayagan na ring maglayag.
Ito ay matapos manalasa ang bagyong Jolina sa bansa na nakaapekto sa ilang mga rehiyon partikular sa Eastern Visayas, Southern Tagalog, Western Visayas at Bicol region.