Mga senior citizens sa Hermosa na 90 anyos pataas, binigyan ng cash incentives

Share this information:

Nagpapatuloy ang pamamahagi ng Hermosa LGU sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton ng cash incentives para sa mga senior citizens sa lugar na may edad 90 anyos pataas sa lahat ng barangay sa Hermosa, Bataan.

Ayon kay Mayor Inton, ang bawat senior citizen sa nabanggit na mga edad ay binibigyan ng P5,000 bawat isa.

“Ito ay bahagi ng programa ng lokal na pamahalaan ng Hermosa na kahit maliit lamang na halaga ay makatulong sa ating mga kababayang seniors lalo na ngayong pandemya,” pahayag ni Mayor Jopet.

Dagdag pa ng alkalde ang palagian niyang paalala sa lahat ng Hermoseño, lalo na aniya sa mga senior citizens, ang patuloy at ibayong pag-iingat ng bawat isa ngayong panahon ng pandemya.

Ang naturang halaga ay bukod pa sa ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development sa mga senior citizens na P100,000 kapag sila ay sumapit na sa kanilang ika-isangdaang taong anibersaryo ng kapanganakan o 100th birthday.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.