Mga PUV na lumalabag sa COVID-19 protocol, hulihin – PNP Chief

INIUTOS na ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na hulihin at tiketan ang mga tsuper ng public utility vehicles (PUVs) na hindi sumusunod sa COVID-19 protocols sa National Capital Region Plus.

Ayon kay Eleazar, hindi nagbibigay ng tiket ng paglabag nuon ang PNP bagamat may ilang mga drayber ng pampublikong sasakyan ang pasaway sa health protocols.

“Nagbigay na tayo ng direktiba sa Highway Patrol Group pati na rin sa local police na nakabantay sa quarantine control points na tiketan ninyo,” ayon kay Eleazar.

Diin ng heneral, dapat ay maging malinaw sa mga drayber ng PUV na may katapat na parusa ang hindi pagsunod sa mga panuntunan at pag-iingat laban sa pagkalat ng COVID-19.

Una na ring napaulat na may mga PUV ang patuloy sa paglabag sa minimum public health standards, gayundin ang overloading o pagpapasakay ng mga pasahero na sobra sa pinapayagang kapasidad.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.