Mga pulis na nagka-COVID 19, mahigit na sa 11,000

Share this information:

PUMALO na ngayon sa 11,015 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay makaraang madagdagan kahapon ng panibagong 22 kaso ng virus infection sa pambansang pulisya.

Aabot naman sa 25 PNP personnel ang gumaling sa sakit kaya’t nasa 10,562 na ang total recoveries habang 31 pa rin ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Nasa 422 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa puwersa ng PNP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.