Mga pantalan sa bansa, lubhang naapektuhan ng bagyong Pepito

INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 10 pantalan na ang naapektuhan dahil sa pagtama ng bagyong Pepito sa bansa.

Sa isinagawang monitoring ng PCG, sinabi nito na nasa 1,606 pasahero, kabilang ang mga truck driver at mga cargo helper ang stranded sa mga daungan.

Stranded din ang nasa 487 rolling cargo at 10 sasakyang dagat habang 20 iba pang sasakyang dagat at dalawang motorbanca ang nagtatago sa ligtas na lugar.

Partikular na lugar na may pinakamaraming stranded ay sa Bicol region at Eastern Visayas.

Ayon sa PCG, maaari pang madagdagan ang mga stranded at kanselasyon ng mga biyahe ng mga barko bunsod ng inaasahang pananalasa ng bagyong Pepito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.