Mga palengke sa Maynila, nagsagawa ng “pork holiday”

Share this information:

Nagsagawa ng “pork holiday” ang nasa 17 pampublikong pamilihan  sa Maynila bilang pakikiisa sa panawagan na maibaba ang presyo ng baboy.

Unang nang ikinasa ng mga meat vendor sa Paco Market ang kanilang holiday kung saan tumigil muna sila sa pagtitinda ng lahat ng uri ng karne tulad ng baboy, manok, baka, kalabaw, maging ang mga frozen  products.

Sa pahayag ni Proscilla Romanes., opisyal ng  Paco Market Vendors Association, hindi nila kakayanin ang ibinigay na P270 na price ceiling sa karne ng baboy dahil ang kanilang ipinupuhunan ay P300 na kada kilo.

Kapag hindi aniya sila mapagbigyan ay maaaring hindi pa rin sila magtitinda bukas.

Samantala, sinabi naman sa Manila Public Information Office na nakiisa na rin ang iba pang pampublikong pamilihan  ayon na rin sa kumpirmasyon ni Manila Market Administration Office Director Zenaida Mapoy.

Bagama’t mayroon pa umanong nagtinda ng karne kaninang umaga  sa San Andres Market at Quinta Market ay pinaubos lamang umano  ang natitira nilang stock  at sila ay nag-holiday din.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

15 minutes from Taguig to Batasan, Quezon City

Mon Feb 8 , 2021
MAIN PHOTO (clockwise, from left): Sen. Bong Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, former Rizal Governor Casimiro Ynares, Jr. and former Antipolo City Mayor Jun Ynares III A private meeting was held recently between former Rizal Governor Casimiro Ynares Jr. and his son, former Antipolo City Mayor Jun Ynares III, together […]

Follow Us

%d bloggers like this: