Mga nagpositibo sa COVID-19 sa PNP, umabot na sa 38,073 na mga kaso

INIULAT ng Philippine National Police (PNP) ngayong Sabado na pumalo na sa 38,073 ang naitalang mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa COVID-19 case update ng PNP, may nadagdag na 173 na kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw, mas mababa sa 197 na naitalang mga kaso kahapon.

Dahil diyan ay umabot na sa 38,073 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa hanay ng pulisya, habang 2,619 dito ay aktibong kaso o patuloy pang nagpapagaling.

Samantala, mayroon namang 138 na mga kaso ang naitalang mga bagong gumaling sa sakit, bagaman mas mababa ito sa 224 na naitalang gumaling kahapon.

Sa ngayon, nasa 35,341 na ang total recoveries sa COVID-19 sa PNP.

Wala namang nadagdag sa mga pumanaw dahil sa sakit at mananatiling 113 ang bilang ng mga namatay sa hanay ng pulisya dahil sa COVID-19.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.