Mga nagpositibo sa COVID-19 na sumailalim sa genome sequencing ay Omicron variant

Share this information:

KARAMIHAN ng mga nagpositibo sa COVID-19 at isinailalim sa whole genome sequencing ay pawang Omicron variant.

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na 70 porsiyento, o 492 mula sa kabuuang 714 na mga nagpositibo sa COVID-19 na isinailalim sa whole genome sequencing ay pawang Omicron variant.

Sa naturang Laging Handa public briefing, sinabi rin ni Duque na 16 porsiyento sa mga na-genome sequenced ay Delta variant habang may 1 porsiyento naman ay Alpha variant.

Sinabi niyang patuloy pa din ang Philippine Genome Center sa pagtukoy kung darating ba ang araw na halos 100 porsiyento na ay magiging Omicron variant na dahil lumiliit na ang porsyiento ng dami ng may Delta variant.

Subalit kahit bumababa na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay patuloy nilang gagabayan ang mga mayor lalo sa mga lugar na mataas ang bilang ng mga kaso na palawigin pa ang kanilang healthcare capacity.

Dapat, ang mga mild at asymptomatic na mga kaso ay dapat dalhin na lamang sa temporary treatment facilities at hindi na sa ospital.

Ayon pa kay Duque, kailangan ding paigtingin at suportahan ang home care, home isolation at home quarantine gayundin ang telemedicine at teleconsultations para naman sa mga naka home isolate.

Pagbabakuna din ang dapat pagtuunan ng pansin at mas dapat pang palakasin, pati na ang booster doses. Dapat ding magabayan ang mga pasyente depende sa kanilang karamdaman kung saang pasilidad sila dapat na pumunta.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.