Mga nabakunahan kontra COVID-19, umabot na sa mahigit 200,000

NASA kabuuang 215,997 na ngayon ang mga healthcare worker at hospital staff na nabakunahan kontra COVID-19.

Batay sa tala ng Department of Health as of March 15, 2021, ang nasabing bilang ay 38% ng mga kailangang mabakunahang medical frontliners sa bansa para sa unang dose.

Siyamnapu’t anim na porsyento ng mahigit isang milyong available doses ng COVID-19 vaccines ang naipamahagi na sa 929 vaccination sites sa 17 rehiyon sa bansa na patuloy ang pagbabakuna.

Pinakamaraming nabigyan ng alokasyon ng bakuna sa National Capital Region na 278,870 doses; sumunod ang Region 7 na 110,760 doses at sa Region 4-A na 91,200 doses.

Iniulat din ng DOH na kahit umano ang dulong Hilaga at dulong Katimugang bahagi ng bansa at mga isla ay napadalhan ng COVID-19 vaccines para iturok sa medical frontliners.

Nananatili namang tiwala ang DOH at National Task Force Against COVID-19 na bibilis at darami pa ang mababakunahan sa sandaling dumating na ang bulto ng mga bakuna.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.