Breaking News

Share this information:

Magkakaroon ng “special consideration”  ang mga Filipino seafarers  para sa priority list ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Sa virtual media forum ng Department of Health (DOH), sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na ikinokonsidera naman ang lahat para sa bakuna laban sa COVID-19  ngunt sa ngayon aniya ay mayroon nang nakalista na priority base sa scientific evidence na mayroon  ang ahensya.

Dagdag pa ni Vergeire, kinuha ang priority listing base na rin sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) at ng kanilang mga eksperto para sa immunization.

Paliwanag ng opisyal, ang mga lahat na nasa priority list ngayon ay mga vulnerable na madalas sila ang mga nao-ospital at namamatay dahil sa sakit.

Gayunman, pagdating naman aniya sa mga Filipino sefarer maging sa mga OFWs ay kasama na sa ginagawang pag-uusap ngayon at sa sandaling maiayos na at tapos na aniya ang pakikipag-ugnayan ay saka pa lamang magbibigay ng kaukulang impormasyon ang DOH.

“Though we can consider them as part of those workers that we would prioritize,” ayon pa kay Vergeire.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: