Mga kumpanya sa Mandaluyong City na hindi pa nagre-remit ng kontribusyon ng mga empleyado, hinabol ng SSS

INUMPISAHAN na ng Social Security System (SSS) ang kanilang unang Run After Contribution Evaders (RACE) activity sa Mandaluyong City na ginanapa kamakailan.

Ginawa ang aktibidad upang bigyang babala ang 12 employer na hindi nag-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa SSS.

Tinatayang umabot na sa P57 milyon ang halaga ng mga hindi nababayarang kontribusyon at multa ng mga employer na nakaapekto sa 451 na mga empleyado. 

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, pinadalhan na nila ng Show Cause Order ang mga may-ari ng establisimiyento at binigyan ng 15 araw para makipag-ugnayan sa SSS New Panaderos Branch nang sa gayon ay maipaliwanag kung bakit hindi dapat gumawa ng anumang legal na aksyon ang SSS laban sa kanila. 

Pahayag ni Macasaet, “The RACE activity in Mandaluyong City is part of our nationwide campaign to ensure the social security coverage of members and enhance SSS’ collection efficiency.”

Gayundin, pinaalalahanan naman ni SSS Executive Vice President, Branch Operations Sector Voltaire Agas ang mga employer sa kanilang obligasyon para mag-report ng SSS at mag-remit ng kaukulang buwanang kontribusyon ng kanilang mga empleyado alinsunod sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018. 

Dagdag pa ni Agas, “We appeal to these employers to religiously remit the monthly SSS contributions of their employees. If they neglect their duties, their employees will not qualify for the benefits they are entitled to claim because of insufficient contributions or their contribution records are not updated.” 

Sa ilalim ng SS Law, ang mga employer na hindi susunod sa pagreregister at pagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado ay mapaparusahan at pagmumultahin ng P5,000 – P20,000 at pagkakakulong mula 6 na taon at 1 araw hanggang 12 taon. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.