Mga kaso ng online “sexual abuse,” tumaas ngayong pandemya — NBI

SINABI ng National Bureau of Investigation (NBI) na tumaas ang mga kaso ng pag abusong sekswal sa online, lalo na sa mga taong nawalan ng trabaho at yaong mga nasa bahay lamang dahil sa mga lockdown bunsod ng pandemya ng COVID-19.

Ito ang tinuran ni NBI Deputy Director Atty. Ferdinand Lavin sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay Atty. Lavin, ang pagtaas ng mga kasong sekswal sa online ay naganap nitong nakalipas na dalawang taon ng pananatili ng pandemya sa bansa.

Dahil sa marami sa mga tao ay nawalan ng trabaho, naging dahilan upang samantalahin ito ang pagkakataon sa mga aktibidad gamit ang internet, lalo na ang mga tinatawag na “keyboard warriors.”

Base sa resultang inilabas ng 2021 Global Threat Assessment Report ng Weprotect Global Alliance, sinasabing nakapagtala ang Pilipinas ng 265 percent na pagtaas ng mga kaso ng online child abuse sa pagitan ng mga buwan ng Marso hanggang Mayo noong isang taon.

Dinagdagan ito ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) kung saan sinabi nito na ang Pilipinas ang siyang pandaigdigang sentro ng kalakalan ng livestream sexual abuse.

Samantala, mayroon na ngayong batas na isinusulong sa Senado upang bigyang-proteksyon ang publiko laban sa online sexual abuse at exploitation, lalo na yaong mga bata.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.