Mga idineklarang “nuisance candidate,” nag-file ng Motion for Reconsideration — Comelec

INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na 14 sa 117 na mga senatorial aspirant na idineklarang “nuisance candidate” ng poll body ang naghain na ng kanilang motion for reconsideration (MR).

Ang mga naghain ng MR, ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ay ang mga sumusunod: 

Francis Leo Antonio Marcos

Felipe Fernandez Montealto, Jr.

Orlando Caranto De Guzman

Jaime Gaspacho Balmas

Pedro Gonzales Ordiales

John Rafael Campang Escobar

Roberto Sontosidad Sembrano

Romulo Tindoc San Ramon

Fernando Fabian Diaz

Luther Gascon Meniano

Romeo Castro Macaraeg

Subair Guinthum Mustapha

Berteni Cataluña Causing

Alexander Cura Encarnacion

Noong Martes, inanunsyo ni Garcia na inaprubahan ng Comelec ang rekomendasyon ng dalawang dibisyon nito na idiskwalipika ang 117 senatorial aspirant sa pagtakbo sa 2025 midterm elections bilang mga “nuisance candidate.”

Ayon kay Garcia, hindi pa nareresolba ng Comelec ang mga inihaing MR.

Nauna rito, naglabas ang poll body ng inisyal na listahan ng mga senatorial aspirant na maaaring isama ang mga pangalan sa opisyal na balota para sa halalan sa susunod na taon. 

Dagdag pa ng Comelec, ang listahan ay “walang pagkiling sa desisyon ng Division o En Banc sa mga petisyon na ideklara bilang mga nuisance candidate na inihain ng Law Department.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.