Breaking News

Share this information:

INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF), kasunod na rin ng pagsang-ayon ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG), ang paghahanay na sa lahat ng mga gobernador, city at municipal mayors o ang local chief executives sa Priority Group A1.5 o ang kategoryang prayoridad na mabakunahan kontra COVID-19.

Sa IATF Resolution 115-B na nilagdaan ngayong araw, uunahin na rin sa pila ng mga tatanggap ng COVID-19 vaccines ang lahat ng local chief executives, kahit ano pa ang risk classification ng kanilang lugar.

Sa dating guidelines ng IATF, pupuwede lamang na mabakunahan ang local chief executives kung ang kanilang probinsiya, lungsod o munisipalidad ay maituturing na high risk o critical areas. Para sa mga lugar na hindi kritikal ang COVID-19 cases, maisasama lang ang iba pang LGU officials kung may darami na ang suplay ng bakuna.

Gayunman, isinama na ngayon ang lahat ng local chief executives na prayoridad bakunahan kasunod ng pag-endorso ng National Task Force Against COVID-19 Vaccine Czar sa apela ng League of Provinces of the Philippines.

Paliwanag naman ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lokal na opisyal ay nagsisilbi ring frontliners sa laban sa COVID-19 dahil sila ang mga humaharap ngayon sa mga tao para tumulong sa pamamahagi ng ayuda at sa vaccination program ng pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: