Mga fans nila Derek at Andrea, nag-aalala na?

Share this information:

Usap-usapan ngayon sa social media ang biglaang pagkawala ng mga larawan nila Andrea Torres at Derek Ramsay na magkasama sa kani-kanilang Instagram account. Senyales na nga ba ito na hiwalay na ang dalawa?

Ayon sa mga fans, i-unfollow na din ni Andrea si Derek ngayon sa Instagram. Kaya naman nag-aalala na ang kanilang fans sa pagbabago sa kanilang social media, umaasa din ang iba na maayos nila Andrea at Derek kung anuman ang kanilang pinagdadaanan ngayon.

Makikita sa mga comments ng post ni Andrea ang pagmamahal ng kanilang fans.

@08_iamrose — Please stay strong. We really miss you and Derek together.

@andrek.south — i love you both. I just hope everything will be okay soon

Last year lang ng official nilang i-annouce ang kanilang relasyon at nagkasama sila sa isang kapuso teleserye.

Ngayon taon ay muli sila nakita magkasama sa vlog ni Derek, kung saan ipinakita ang bonggang bahay ni Derek at naging usap-usapin din na nagsasama na sila sa iisang bahay.

Itinanggi naman ni Andrea ang balita.

Hanggang ngayon ay tahimik pa din sila Derek at Andrea sa issue na ito. Abangan natin ang susunod na kabanata sa kanilang buhay pag-ibig.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.