Mga banyaga, arestado ng BI dahil sa illegal online gambling

Share this information:

Kalaboso ang 36 na banyaga sa isang malaking pagsalakay sa isang illegal online gambling company sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon ang bureau matapos itong makatanggap ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho sa lugar nang walang kaukulang permit.

We coordinated with PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corp.) and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” pahayag ni  Morente.

Napag-alaman na ang nasabing kumpanya ay hindi awtorisado na mag-operate at hindi nag-aplay ng lisensya sa PAGCOR, na isang kailangan para sa mga online gaming company upang makapag-operate sa bansa.

Ayon naman kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr., ang nasabing kumpanya ay nadiskubreng sangkot sa illegal live studio gaming kung saan ang mga operators at management ay binubuo karamihan ng mga Korean national.

Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” ayon kay  Manahan.

Ang mga naarestong dayuhan ay walang mga visa at mga dokumento.

We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” ayon pa kay Manahan. 

 “However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” dagdag pa nito.

 Kabilang sa mga naaresto ang 31 lalaki at 5 babae. Dalawa sa kanila ang Chinese, 2 Indonesian at 32 ang Korean national.

Pansamantalang nakadetine sa Warden Facility ng BI sa Bicutan, Taguig ang mga banyaga habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR testing.

Muli naming nagbabala si Morente sa mga illegal alien na huwag samantalahin ang pagkakaroon ng pandemya para gumawa ng iligal na aktibidad sa bansa.

 “We call on all foreigners to legalize your stay,” ayon sa opisyal.

Do not take advantage of the pandemic because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws,” babala pa ng BI Commissioner.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PDU30 stepping down without military backing him up

Tue Apr 20 , 2021
WITHOUT a military component backing him up, President Rodrigo Duterte hinted at the idea of stepping down amid persistent rumors of him losing grip of the Armed Forces of the Philippines (AFP). In a televised public address, Duterte said he will return to his home city of Davao and let […]

Follow Us

%d bloggers like this: