Breaking News

Share this information:

NANUMPA na ngayong araw ang mga bagong opisyal ng Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) matapos mabakante ang16 na puwesto nito sa pangunguna ng Presidente ng partido.

Sa idinaos na national assembly, pormal na nakabuo ng mga bagong opisyal ng PDP-Laban at agad ding nanumpa kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isinagawa sa Royal Hotel Clark, Pampanga.

Si Energy Secretay Alfonso Cusi ang nailuklok na bagong Presidente ng PDP-Laban pagkatapos ang idinaos na botohan kanina.

Sa kanyang talumpati, ipinagako ni Cusi ang pagtalima sa kanilang pinanumpaan na pagbibigay ng gabay sa buong partido. Nagpasalamat din si Cusi sa mga kasapi ng partido sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang tatayong ama ng PDP-Laban.

Kabilang pa sa mga bagong opisyal ng partido na nanumpa kay Pangulong Duterte ay sina Cabinet Secretary Karlo Alexie Nograles bilang EVP; Mayor Edwin Olivarez bilang VP MM; Sec. Raul Lambino bilang VP Luzon; Governor Ben Evardone bilang VP Visayas; DG Ching Plaza bilang VP Mindanao; Secretary General naman si Atty. Melvin Matibag; Treasurer si Mayor Rianne Cuevas; Auditor si Senador Christopher “Bong” Go.

Inihalala naman na chairperson ng Membership si Astravel Pimentel Naik, executive director ng Commission of Filipino Overseas; chairperson ng Education na si Secretary Noel Felongco; chairperson ng Finance si Governor Tony Kho; chairperson ng Legal na si Atty. Richard Nethercott; chairperson ng Public Info si Usec. Jonathan Malaya; chair ng Livelihood si Reymar Mansilungan at chairman ng Youth si Atty. Kat Contacto.

Matapos ang panunumpa, sa talumpati ni Pangulong Duterte ay sinisi nito si Senador Koko Pimentel kaya’t nagkaroon ng magkakaibang paksyon o pagkakaroon ng pagkawatak watak sa loob ng partido.

Giit ni Pagulong Duterte na hindi naman tamang pamamaraan ang ipinatupad ni Pimentel na nagtalaga ng isang Presidente nuong panahon na siya ay nagbitiw bilang Presidente ng PDP-Laban.

Diin ni Pangulo Duterte na walang batas ng by laws nila na nagsasabing mag-appoint ka ng bagong Presidente kaya nilinaw ng Pangulo, wala naman alam si Senador Manny Pacquiao sa nasabing mga proseso kaya kung ano man ang sabihin dito ay susunod lamang.

Ayon pa sa Pangulo, inaasahan na niyang gumagawa na ng petisyon si Pimentel sa Comelec kaya naman pinaalalahanan nito ang publiko na maghintay na lamang ng susunod na mangyayari.

“Ang nagsimula ng gulo sa partido ay si Pimentel dahil hindi ito ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng partido,” wika pa ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: